PANGLAO OUTING PLUS COUNTRYSIDE TOUR 2017

Note: One week before our scheduled tour to Bohol, typhoon Odette and Paolo came and wreck havoc to the Philippine Seas. Honestly, I'm worried because our hotel room was already booked and paid in full ahhahaha.
Nowadays, I'm not into nightlife anymore. Maliban sa nagsawa na ako, nakakapagod gumala sa gabi. Mas nanaisin ko pang matulog, charlungs.
When in Panglao, usually sa mga tourists ay doon talaga magpunta sa Alona. But for me, I prefer Dumaluan Beach. Same exquisite shoreline but less crowded. Bohol Beach Club is in Dumaluan, too.
I don't know about you, but maybe, Alona Beach will be your pick. There are other accommodations near Dumaluan Beach like Dubay Panglao or Cebu Beach Club for those who can spend too much for a room.
Suki na ako ng Agoda dahil bukod sa mas mura sila, user-friendly din ang kanilang website. Basta, nakasanayan ko na ang mag-book thru Agoda. Gusto ko sana sa BBC mag-stay for the night kaya lang sayang naman iyong pangbayad sa room eh ilang oras lang naman kaming manatili doon. So, doon na ako sa Dumaluan Beach Resort, iyong katabi ni BBC. Their deluxe room can accommodate up to four adults and an extra bed was pegged at Php400 with buffet breakfast. Next time na lang ang BBC kapag marami na akong pera at hindi na sayang ang 20k para sa isang kwarto. Usually, may promo naman si Agoda up to 50%.
Dumaluan has just everything that you'll need for a comfortable stay. Ano siya, pang-masa.
Sayang, maganda pa naman sana ang room namin. Tapos, hindi na rin kami nakapagswimming dahil pagkatapos ng breakfast, nagmamadali na para sa tour. Ay, eto pa. Actually, naka book na kami at nakapagbayad doon sa bahay-kubo (mas mura iyon), dahil iyon ang gusto nilang ma-try daw. The company paid for the bahay-kubo sana, kaso, ansabi nung accountant namin, naaawa daw siya sa kanyang sarili. Buti na lang may bakante pa, ang suite room. Eh di, wow!
At ngayon, heto na naman ako, abala na naman sa paggawa ng itinerary para sa paglalakbay kasama ang pamilya. Di ba, long weekend sa katapusan ng October.
Bottomline, useless ang itinerary kung hindi pa naka-advance booking ang lahat like accommodation, ferry tickets, and car/van. Dapat kasi mag-book ako sa Oceanjet going to Tagbilaran pero nag-alinlangan ako dahil sa pabago-bagong panahon. Naisip ko kasi na baka lumakas ang bagyo at hindi kami matuloy, eh di doble ang lugi ko sa mga advance bookings. Kaya ang nangyari, noong October 28 ay maaga kaming gumising at umalis ng bahay around 5AM.
Sumakay kami ng taxi papuntang Pier 3 kung saan doon kami pwedeng bumili ng tickets patungong Tubigon kasi upon checking sa Oceanjet website on October 27, fullybooked na po sila. Mahaba na ang pila nang dumating kami dahil fullybooked na rin ang ibang vessels.
Nakakairita lang iyong pagpila namin. Imagine, pumila kami para sa 7:30AM na trip, naubusan at naging 9:30, naubusan na naman at naging 11:30. Sino ba naman ang hindi mababagot? Binilang ko lahat ng nakapila from the front. Pang-bente kami...Nagtataka ba kayo kung bakit hindi kami nakaabot sa 7:30 at 9:30? Dahil sa mga senior citizens. I know na priority sila pero pati ba naman mga kasamahan nila? Nakasulat na sa manifesto ang mga pangalan namin pero hindi kami nakaalis sa schedule na iyon. Kaya iyon ang nangyari, hapon na kami dumating sa Tubigon plus land trip to Tagbilaran via van na higit isang oras din. And another 30minutes from Tagbilaran to Panglao.
Alas kwatro na ng hapon kami dumating sa DBR. Ilang oras ang nasayang pero di bale, nag-enjoy naman kami sa beach. Pagkatapos mag check-in, agad kaming nagpalit ng mga damit at voila! Beach time hanggang sa makaramdam ng gutom.
Note: Para sa mga may balak na pumunta ng Panglao, mas maiging dumiretso sa Tagbilaran. Kahit na maraming entry points ang Bohol, Tagbilaran is still the best way to get into the city without wasting too much time and money. Nasa baba ang itinerary namin at total expenses for two days.
Salamat sa Pag-ibig Fund at na-approve kaagad ang aking loan harharhar....
PANGLAO OUTING PLUS COUNTRYSIDE TOUR | |||
OCTOBER 28-31, 2017 | |||
FOR 3 ADULTS AND 1 TODDLER | |||
28-Oct | 4AM | wake-up time | |
5AM | Hail taxi from subdivision gate to Pier 3 | 250.00 | |
5:30AM | nagsimulang pumila para sa ticket | ||
8:30AM | purchase ticket for 3 @ 250.00 | 750.00 | |
9:00AM | proceed to Cathedral para magtirik ng kandila dahil | ||
alas onse y medya pa naman ang departure time via jeep | 21.00 | ||
9:30AM | kumain ng priting manok at poso malapit sa cathedral | 150.00 | |
10-10:30 | picture picture sa cathedral plaza dahil walang magawa | ||
10:45am | sumakay ng jeep pabalik sa Pier 3 | 21.00 | |
11AM | bumili ng lugaw at kumain sa loob while waiting | 120.00 | |
11:30 | sa wakas, boarding time na patungong Tubigon via | ||
Starcraft Ferry | |||
2pm | arrival in Tubigon Port, sumakay ng trisikel papuntang | 30.00 | |
GT terminal | |||
2:30 | via GT Express Van to Tagbilaran @ 90/pax | 270.00 | |
3:30pm | grabe, nakatulog ako sa van sa sobrang pagod..sa wakas | ||
nakarating na rin kami sa ICM | |||
4PM | pumasok sa ICM at kumain sa KFC | 500.00 | |
4:30PM | sumakay ng jeep papuntang Panglao via jeep with Tawala | 60.00 | |
route na naka-park sa tapat ng ICM Mall | |||
5:15PM | arrival at eskina patungong Dumaluan Beach, sumakay ng | 60.00 | |
motorcycle at nagpahatid sa hotel | |||
5:20PM | check-in at Dumaluan Beach (booking thru Agoda.com) | 3,000.00 | |
5:30PM | walk on the beach hanggang sa napagod at bumalik sa | ||
pinanggalingan at nag-swimming (beachfront was superb!!) | |||
8:00PM | dinner at Kan-anan (restaurant in Dumaluan Beach) | 1,000.00 | |
Oct 29 | 5:00AM | walking barefoot on the beach | |
6:00AM | buffet breakfast at Kan-anan | free | |
7:00AM | swim swim swim | ||
10:00 | check-out/ start of day tour | 2,500.00 | |
carlos garcia house/tagbilaran | |||
suarez heritage center/tagbilaran | |||
national museum/tagbilaran | |||
blood compact/tagbilaran | |||
st joseph cathedral/tagbilaran | |||
tagbilaran plaza fronting st. joseph cathedral | |||
baclayon church /baclayon museum | 150.00 | ||
tarsier sanctuary - corella | 180.00 | ||
corella church | |||
sipatan hanging bridge - loboc | |||
floating restaurant - loboc @550.00/pax | 1,650.00 | ||
man-made forest | |||
butterfly garden | 120.00 | ||
hanging bridge | |||
chocolate hills | 150.00 | ||
4:30pm | END OF TOUR /drop-off at San Miguel - provincial residence |

Asawa ko at anak namin, nag-enjoy sa butterfly

grabe talaga ang kakulitan ng pinsan ko...

sa blood compact site...

pag pumunta kayong Bohol, try din ninyo dun sa plaza sa tapat ng Cathedral, andaming kalapati

Comments
Post a Comment