Pagkatapos ng ilang taon na pagtatrabaho sa ibang lugar o sa city na napili mo, ngayon ay balak mo nang tumigil sa pagiging empleyado at bumalik sa probinsya na pinanggalingan. Tama po ang desisyon na gagawin mo? Syempre tama. Pero ang tanong, ano naman ang gagawin mo sa probinsya? May bahay ka na ba? May ipon sa bangko? May negosyo? Kung wala pa, huwag ka munang mag-resign. Itong maipapayo ko ay base lamang sa personal na karanasan. It may or may not be applicable to you. Understand? Unang hakbang - 8-10 years bago mag-resign sa regular job Umuwi ka muna sa probinsya ninyo at magmasid. Obserbahan mo kung paano nga ba nagkakapera ang mga tao sa lugar ninyo. Tulad sa amin, ang pangunahing paraan para magkapera ay sa pamamagitan ng agribusiness mainly thru rice farming, cattle fattening, hog raising and poultry. Kami ng asawa ko, mas bet namin ang rice farming at cattle fattening but since malaki ang perang involved sa cattle fattening, doon muna kami sa rice farming. Kung sasab...
Comments
Post a Comment