Balik-Probinsya Plan

Pagkatapos ng ilang taon na pagtatrabaho sa ibang lugar o sa city na napili mo, ngayon ay balak mo nang tumigil sa pagiging empleyado at bumalik sa probinsya na pinanggalingan. Tama po ang desisyon na gagawin mo? Syempre tama.

Pero ang tanong, ano naman ang gagawin mo sa probinsya? May bahay ka na ba? May ipon sa bangko? May negosyo? Kung wala pa, huwag ka munang mag-resign. Itong maipapayo ko ay base lamang sa personal na karanasan. It may or may not be applicable to you. Understand?

Unang hakbang - 8-10 years bago mag-resign sa regular job

Umuwi ka muna sa probinsya ninyo at magmasid. Obserbahan mo kung paano nga ba nagkakapera ang mga tao sa lugar ninyo. Tulad sa amin, ang pangunahing paraan para magkapera ay sa pamamagitan ng agribusiness mainly thru rice farming, cattle fattening, hog raising and poultry. Kami ng asawa ko, mas bet namin ang rice farming at cattle fattening but since malaki ang perang involved sa cattle fattening, doon muna kami sa rice farming.

Kung sasabihin mo na wala kang lupa na pagtataniman, hindi problema 'yon. Lahat ng pinagtataniman namin ngayon ay hindi amin. Uso kasi sa probinsya ang pagsanla ng sakahan. At first kailangan na ikaw ang magtanong-tanong kung sino ang may balak na magsanla ng sakahan. Sa kalaunan, sila ang kusang lalapit sayo. Usually sa amin, ang terms is up to three seasons or tatlong taniman bago nila ibalik sayo ang pera. Sa tatlong taniman na nabanggit, kami mismo ang nagtatrabaho sa area kaya 100% ng kita ay napupunta sa amin. Believe me, may kita sa rice farming. Oo nga at risky, pero okay lang 'yon kasi nasa 70-100% naman ang returns ng investment in 4 months.

As of now, nasa Php55,000 ang magagastos sa isang hektaryang taniman ng palay. Kapag hybride rice seeds ang itatanim sa 1-hectare irrigated ricefields at maganda ang tubo ng palay, may potential yield ito na aabot sa 14MT or 14,000kgs. Sample computation below.

Total yield = Php280,000 (14,000kgs * Php20 per kilo)
Total cost = Php 55,000
Net Profit =Php225,000


Ikalawang hakbang - 5 years bago mag-resign sa regular job

I assume na may ipon ka na rin sa loob ng ilang taon na pagtatanim ng palay. Next project is BAHAY. Bakit? Kasi kailangan mong magkaroon ng sariling bahay sa probinsya. Ayaw mong gumastos ng malaking halaga para sa pagpapatayo ng bahay? Pwede rin naman 'yon. Makitira na lang kayo sa parents mo. Pero bago mo gawin 'yon, tanungin mo muna ang asawa mo kung magiging kumportable ba siya. Kasi kadalasan, magkakakagirian talaga ang mga in-laws. Mas mabuti pa rin ang bumukod para maiwasan ang sitwasyong hindi kanais-nais para sa inyong mag-asawa.

Magastos magpatayo ng bahay. Tama ka diyan, pero huwag kang matakot sa gastusin. Hindi tayo mayaman kaya hindi natin kailangang tapusin ang bahay sa loob ng anim na buwan. Just slow down..okay? Kasi hindi naman pwede na ubusin mo lahat ng pera sa bangko upang matapos kaagad ang bahay. Tulad ng ginawa namin, every harvest, may project kami related sa bahay like hollowblocks, roofing materials. Matatapos rin naman ang lahat...soon. No need to rush kasi 'di ka pa naman uuwi sa inyo.

I think may entry ako dito sa blog tungkol sa pinapatayo naming bahay. Year 2016 pa nagsimula ang construction, eh anong petsa na ngayon? Magtatapos na rin ang 2017 pero wala pa kami sa kalahati. Wala naman kaming magawa dahil wala na talagang budget para sa project Bahay. Hinihintay pa namin ang aming 13th month para sa pagbili ng mga 1000pcs hollowblocks, semento at bakal para exterior/interior walls. Kahit walls at mga division ay matapos man lang by January 2018. Saka na ang flooring, malaking pera kailangan 'nun.

Sabi ni Engineer, nasa Php9,500 per sqm ang standard na magagastos kapag magpatayo ng bahay. Nasa 141sqm kasi ang floor area ng bahay kaya aabot sa Php1,339,500 ang total na magagastos. Sa nabanggit na Php1.3M, hindi pa kasali ang mga furnishings. Kaya malamang na aabot pa hanggang Php2M para magiging fully-furnished ang bahay namin.

By the way, ang pinapagawa naming bahay ay may malaking garage na kasya ang dalawang sasakyan like Navarra or Fortuner. At dahil tractor lang naman at motorcycle ang mayroon kami, ang space na 'yon ang magiging tindahan ko ng sari-sari.


Ikatlong hakbang -2 years bago mag-resign sa regular job


Magpagawa ng at least dalawang storage rooms. Isa para sa palay at isa naman para sa magiging paninda.


Ikaapat na hakbang - 1 year bago mag-resign sa regular job

Panahon na para ayusin ang mga sumusunod:

  • bakod ng property
  • landscaping (bermuda grass sa playground)
  •  vegetable/herb garden
  •  area para sa roses at orchids
  • concrete road to garage
  • cabinetry para sa tindahan
Ikalimang hakbang - siguraduhin na ang Emergency Fund

Magkano ba dapat ang emergency fund na mayroon tayo? Kahit magkano basta kaya nitong tustusan ang ating monthly expenses for six months up to one year. So, check your account, kung sa tingin mo ay sapat na ang halagang naipon, mag-resign na kaagad.

Emergency fund lang ha, hindi kasali ang para sa business. 

Mag-empake at i-arrange ang lipat-bahay.


Huling hakbang

Mag-sign up sa Airbnb.com or sa booking.com para parentahan ang iyong bahay sa city. Take note na kailangang mag-post ng picture sa website, kaya mas maigi na linisin mo muna ang buong kabahayan at palitan ang mga bedsheets or comforter or ang mismong mattress sa mga kwartong available for rent. 

Sa living room naman, siguraduhin na nasa maayos na kundisyon ang inyong sala set. Kung may mga personal picture sa living room, alisin nyo na at palitan na lang ng painting kahit mumurahin lang. Basta, alam na ninyo yan kung paano gawing instagram-worthy ang inyong bahay na parerentahan. 

Gawin ninyong inspiration ang mga hotel rooms na napuntahan o bahay ng mga kaibigan na cozy at maganda ang dating.

Ngayon, ay pwede ka nang magbalik-probinsya na hindi masa-sacrifice ang comfort at budget ng pamilya mo. 

Good luck sa ating lahat na may balak umuwi ng probinsya at doon na mag-settle.


-------------------------
Assuming that:

  • your house in the city is currently insured - kung hindi pa, aba ipa-insured mo na siya bago mo iiwanan. Kapag kumuha ka ng insurance para sa bahay, piliin mo yong may "ACTS OF GOD". Mahirap pag fire insurance lang ang kukuni mo...Okay?
  • your child's education will not be compromised by the transfer of residence













Comments

Popular posts from this blog

CATTLE RAISING IN BOHOL

PHANTOM OF DESIRE